Monday, November 24, 2008

Crispy Pata


Mga Sangkap:

1 1/2 pata
1 kutsarita asin
1/2 kutsarita durog na paminta
1/4 kutsarita betsin
mantika

Paraan ng pagluluto:

Ilagay sa isang malaking kaserola ang pata.
Hayaang nakalubog sa tubig. Pakuluin.
Timplahan ng asin, paminta at betsin. Takpang mabuti ang kaserola. Hinaan ang apoy at hayaan kumulo-kulo hanggang lumambot ang karne. Patuluin ang karne.
Magpainit ng mantika saisang malaking kawali hanggang halos umusok ito sa init. Ilubog sa mantika ang pata hanggang mamula ang balat at lumutong.

No comments: